I am Roen Corneras, a young farmer from Camarines Sur. My family’s main livelihood is farming. Over time, I witnessed the complex reality of being a farmer. Since I was young, I saw the hardships of my parents in the rice field. They gamble their capital for farming inputs, put in the time and work, and pray for a bountiful harvest. Our daily routine as farmers includes being tired and hungry.
“It is a scandal that the farmers continue to suffer”. But this is the sad reality for many Filipino farmers.
Many young farmers like myself do not own land, we do not have capital, no sufficient knowledge and training on farming, and we lack access to the market. In addition, with the recent calamities and the current pandemic situation, we have already reached our maximum capacity to survive.
As young farmers, our role in society as second liners is significant as we will produce the food of the next generation. The Magna Carta of Young Farmers will be a great support to ensure concrete benefits for young farmers to achieve productive and sustainable farming. If implemented, I will use it as a tool to show the youth that there are opportunities and benefits in the agriculture sector. With this, youths may be more encouraged to pursue farming and utilize resources for the next generation.
I am also calling the attention of the government to stop the importation of rice. The Rice Tariffication Law is killing thousands of Filipino farmers as the price of rice continues to fall. Rather, the government should support local harvest and focus on the issues faced by Filipino farmers. If this will happen, we can attain abundant and sustainable farming in our country thereby reducing poverty.
Also, please stop converting our farmlands. Our land is our life. Our right to our land is to have and provide food. Enact the National Land Use Act.
Roen Corneras
Philippines
Ako si Roen Corneras, isang kabataang magsasaka mula sa Camarines Sur. Maaga akong namulat sa tabi ng palayan kasama ang aking mga kapatid at magulang kaya pagsasaka ang aming naging pangunahing kabuhayan. Sa paglipas ng panahon ay unti-unti kong nasasaksihan ang masalimuot na reyalidad ng pagiging isang magsasaka. Bata pa lamang ay akin nang naranasan ang hirap na pinagdadaanan aking mga magulang sa palayan. Sinusugal nila ang kanilang kapital, binhi, oras at buhay na may kasamang taimtim na dasal na nawa’y magkaroon ng isang masaganang ani pagdating ng anihan. Pagod at gutom, iyan ang araw-araw na rutina naming mga magsasaka.
“Isang iskandalo na ang mga magsasaka ay patuloy na naghihirap”. Ngunit iyan ang masaklap na reyalidad na dinadanas ng maraming magsasakang Pilipino.
Bilang kabataang magsasaka,kami ay may kinakaharap ring isyu. Karamihan sa amin ay walang sariling lupang taniman, walang kapital, walang sapat na kaalaman at pagsasanay sa pagsasaka, at kawalan ng access sa merkado.
Napakahalaga ng aming magiging papel sa lipunan bilang Second Liner, kami ang magtataguyod ng pagkain ng susunod na henerasyon. Malaking suporta ang Magna Carta of Young Farmers sa mga kabataang magsasaka upang maabot ang produktibo at sustinableng pagsasaka. Kung maisabatas ito, gagamitin ko ito upang magsilbing tagamulat sa mga kabataan ngayon na may insentibo at oportunidad sa agrikultura nang sa gayon ay maraming kabataan ang mahihikayat na pumunta sa sektor na ito at palaguin para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.
Nananawagan din ako sa mga mambabatas na itigil na ang patuloy na pag angkat ng bigas sa ibang bansa. Ang Rice Tarrification Law ay pinapatay ang libo-libong Pilipino sa patuloy na pagbasak ng presyo ng palay. Bagkos ay dapat tangkilikin ng Pilipinas ang bigas na galing sa mga magsasakang Pilipino at pagtuunan ng pansin ang mga isyu na kinakaharap ng mga magsasaka. Kapag nangyari ito, maaabot natin ang masagana at sustinableng pagsasaka sa bansa nang sa ganoon ay mabawasan ang kahirapan na ating kinakaharap.
Help this young farmer win the APFP Young Farmers Open Letter Contes! Vote for this entry on:
Facebook: https://www.facebook.com/media/set?vanity=AsiaPacificFarmers&set=a.1639214969617305
Instagram: @asiapacificfarmers
Twitter: @asiapacfarmers
YouTube: https://www.youtube.com/c/AsiaPacificFarmers
Comments are closed